^

Bansa

MLSA gagawing US base ang buong bansa – Ka Roger

-
Nagpahayag ang grupong komunista na hindi na umano kailangan ng pamahalaang US at Pilipinas na isama sa kontrobersiyal na Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) ang probisyon na permanenteng pagtatayo ng base ng Amerika dito.

Ayon kay Gregorio "Ka Roger" Rosal, spokesman ng Melito Glor Command ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na malinaw na ang Pilipinas ay magiging base ng Amerika sa pamamagitan lamang umano ng paglakip sa pinagkasunduang RP-US Visiting Forces Agreement (VFA).

Sinabi ni Ka Roger na ang mga ito ay panlilinlang at inakusahan ang Malacañang na balak din linlangin ang mga kumokontra sa MLSA sa pagsasabing aalisin ang isang probisyon nang paglagi ng US base sa bansa.

Sa paglagda kamakailan ng MLSA ang militar ng Pilipinas at US ay nangako sa bawat isa na magtutulungan sa kakailanganin sa giyera tulad ng mga armas,gasolina at iba pang bagay na nauukol sa gagamitin sa pandigma.

Samantala ang VFA naman ay pinapayagan ang US forces na manatili sa bansa sa itinakdang panahon sa pamamagitan ng Balikatan Exercise. (Ulat ni Benjie Villa)

AMERIKA

AYON

BALIKATAN EXERCISE

BENJIE VILLA

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

KA ROGER

MELITO GLOR COMMAND

MUTUAL LOGISTICS SUPPORT AGREEMENT

PILIPINAS

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with