Extra bonus sa mga government employees tiniyak

Magiging masaya ang Paskong darating sa mga kawani ng gobyerno matapos tiyakin ng Malacañang na tutuparin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pangako nitong extra bonus.

Ayon kay Budget Secretary Emilia Bongcodin na makatatanggap ng tig-P 5,000 ang lahat ng kawani at kung sakaling hindi makayanan ng isang ahensiya na ibigay ang nasabing bonus ito naman ay aabonohan ng Malacañang.

Pantay-pantay umano ang matatanggap na bonus ng mga kawani upang sa ganoon ay walang mangyaring tampuhan.

Tiniyak ni Boncodin na matatanggap ng mga kawani ang kanilang bonus bago dumating ang Disyembre 15. (Ulat Ely Saludar)

Show comments