^

Bansa

Angelica, Malaysian citizen

-
Isang Malaysian citizen si Angelica.

Ito ang napatunayan sa isinagawang imbestigasyon at sa mga nakalap na ebidensiya ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DOJ).

Ayon kay DFA Secretary Blas Ople, mga Malaysian ang mga magulang ni Angelica. Dahil dito nawala ang pagdududa sa "dual citizenship" nito. Nakatakdang iturn-over ng pamahalaan sa Malaysian government ang 13-anyos na si Angelica. Kabilang siya sa mga Filipino deportees na nakulong at naging biktima ng panghahalay sa Sandakan matapos na madiskubre ang tunay na nationality nito.

Ipapasa si Angelica na kasalukuyang kinukupkop ng DSWD sa Social Welfare Department ng Malaysia na siyang mangangalaga sa kanya at magpapatuloy sa kaso nito.

Sinabi ni Ople, bagaman hindi Pilipina si Angelica ay maglalaan pa rin ang pamahalaan ng social welfare attache sa Malaysia na siyang personal na magmomonitor at posibleng tumulong din sa kaso ng dalagita habang nasa custody ng Malaysian government.

Magugunita na naghain ng dalawang magkasunod na diplomatic protest ang Pilipinas laban sa Malaysia matapos ang umano’y di makataong pagtrato sa may 300,000 Pinoy deportees at ang ginawang panghahalay kay Angelica. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANGELICA

AYON

DAHIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELLEN FERNANDO

IPAPASA

ISANG MALAYSIAN

SECRETARY BLAS OPLE

SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with