^

Bansa

Blood money sa bibitaying OFW sa Saudi kumpleto na

-
Dalawang legal officer ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang tumungo sa Nepal at India upang ihatid ang P780,000 diyah o blood money na makakapagligtas sa overseas Filipino worker (OFW) na si Primo Gasmen na hinatulan ng kamatayan sa Saudi Arabia.

Sa panayam, sinabi ni Atty. Rainier Mamañgan, ng DFA-Office of Migrant Workers Affairs-Assistance to Nationals na tutulak siya kasama si Atty. Gil Salceda ng nasabi ring dibisyon sa Nepal at India upang ihatid ang nasabing blood money matapos na makumpleto ito.

Unang nakalikom ng halagang P500,000 para kay Gasmen at ito ay idadagdag sa nalikom ng DFA na P239,856 na kasalukuyang nakadeposito sa Philippine National Bank.

Ayon kay Mamañgan, sa susunod na linggo ay may inaasahan pa silang magbibigay ng tulong pinansiyal mula sa mga nangakong personalidad at makukumpleto na ang P780,000 blood money.

Ang mga nabanggit na pera ay mula sa mga religious group, Radio Mindanao Network, mga negosyante at anonymous.

Sinabi ni Mamañgan na sa Nobyembre 25 ang kanilang alis at mayroon silang dalawang linggo para ayusin lahat ang mga papeles at dokumento para sa pormal na pagbibigay ng blood money sa pamilya ng biktimang si Kim Bahadir Gurung. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

GIL SALCEDA

KIM BAHADIR GURUNG

OFFICE OF MIGRANT WORKERS AFFAIRS-ASSISTANCE

PHILIPPINE NATIONAL BANK

PRIMO GASMEN

RADIO MINDANAO NETWORK

RAINIER MAMA

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with