Clarissa tetestigo sa Sandiganbayan vs Erap
November 11, 2002 | 12:00am
Nakatakdang tumestigo ngayong araw na ito sa Sandiganbayan si Equitable-PCI Bank executive Clarissa Ocampo laban sa nakakulong na dating Pangulong Joseph Estrada sa kasong ilegal na paggamit ng alias.
Ang prosecution panel na pangungunahan naman ni Assistant Ombudsman Dennis Villa-Ignacio ay nagsabi na ang patotoo ni Ocampo ay magdidiin sa dating Pangulo na kumamal ng humigit kumulang na P 4 bilyon sa tagong yaman nito na minaliit naman ng kampo ni Estrada sa pangunguna ng abogado nitong si Raymond Fortun.
Patutunayan ni Ocampo na si Estrada ay ang totoong Jose Velarde at hindi ang kaibigan nitong si Jaime Dichavez na kamakailan ay umamin na siya ang may-ari ng Jose Velarde account sa nasabing bangko.
Ayon pa kay Villa-Ignacio na uulitin lamang ni Clarissa ang kanyang naging pahayag noong nakaraang taon sa impeachment court at pagkatapos niya ay may walo hanggang labindalawang saksi ang tetestigo laban kay Estrada at iba pang mga akusado nito. (Ulat ni Jose Rodel Clapano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest