4 pang OFWs sa Saudi pupugutan
November 9, 2002 | 12:00am
Apat pang overseas Filipino workers (OFWs) ang nakatakdang pugutan matapos hatulan ng kamatayan sa umanoy pagpatay sa isa pang OFW sa Saudi Arabia.
Kinilala ng Migrante International ang apat na sina Wilfredo Bautista, 35; Sergio Aldana, Antonio Alvesa at Miguel Fernandez.
Ang mga akusado ay nakakulong noon pang 1999 at nahatulan ng Taif Grand Court sa Saudi Arabia noong September 11, 2002 dahil sa umanoy pagpatay kay Jaime dela Cruz.
Si dela Cruz ay natagpuang tadtad ng saksak at pinatay umano ng apat matapos manalo sa P3 million lottery na pinatatakbo ng mga Pilipino doon. Ang perang napanalunan ng biktima ay nawawala pa rin.
Base sa fact sheet na ibinigay ng Southern Luzon Jurisdictional Convention of the United Church of Christ in the Philippines (SLJC-UCCP), tinortyur si Bautista habang sinasailalim sa interogasyon at na-comatose ng ilang buwan.
Kaugnay nito, hiniling ni Poe Gratela, Migrante International secretary general, na makialam ang DFA at sagipin ang mga ito sa pugot ng Taif prison authorities.
Ang pamilya ni dela Cruz ay humihingi ng P6 million diyah o blood money para iurong ang kaso.
Ang diyah ay dapat na bayaran ng pamahalaang Pilipinas at hindi mga pamilya ng mga akusado.
Una rito, isa pang OFW na si Primo Gasmen ang nanganganib na mabitay sa susunod na taon kapag nabigo itong makapagbigay ng US$15,000 blood money. Si Gasmen ay 1999 pa nakakulong dahil sa umanoy pagpatay sa isang Nepalese co-worker sa Saudi Arabia. (Ulat ni Sandy Araneta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest