^

Bansa

Sec. Reyes sasabak sa '2004

-
Nag-iipon na umano ng pondo si Defense Secretary Angelo Reyes para sa ambisyon nitong tumakbo sa 2004 Presidential Elections.

Ito ang akusasyon ng tatlong grupo na umano’y heneral at hepe ng iba’t ibang opisina ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na batay sa isang walang pirmang open letter na naka-address kay Pangulong Arroyo.

Ayon sa naturang white paper na ipinadala ng Force for Immediate Reforms and Efficiency (FIRE), Builders for Uninterrupted Progress (BUP) at Alliance for a Reform Military (ARM), ginagamit umano ni Reyes ang kanyang puwesto upang manipulahin ang sandatahang lakas at magnakaw ng pondo.

Inakusa ng mga grupo na may P500 milyon pondo buhat sa P1bilyong pondo para sa Internal Security Operations ng AFP ang inilagay para sa general headquarters sa pamamagitan ng umano’y kanyang kasabwat na si dating AFP Chief of Staff, General Domingo Villanueva.

Bukod dito,ayaw rin umano ni Reyes na magkaroon ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng New People’s Army (NPA) dahil sa mga pondong makukuha umano nito sa digmaan kahit na malagasan ng mga sundalo.

Kasabwat din umano ang isang Undersecretary Antonio Santos sa pagmamanipula ng mga heneral ng AFP.Katunayan umano ay ang pagrekomenda nito kay General Benjamin Defensor upang maging Chief of Staff kahit na sa maikling panahon.

Ito’y upang hindi umano makaporma ang magiging hepe ng AFP dahil sa kakulangan ng panahon at maging sunud-sunuran sa kanya dahil sa utang na loob.

Ang sumbong na ito ay nakarating na umano kay Pangulong Arroyo subalit hindi ito umaksiyon laban kay Reyes.

Nayayamot na umano ang mga Board of Generals ng AFP kaya’t magsasagawa sila ng imbestigasyon laban kay Reyes sa "P1billion ISO scam". (Ulat ni Danilo Garcia)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BOARD OF GENERALS

CHIEF OF STAFF

DANILO GARCIA

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

GENERAL BENJAMIN DEFENSOR

GENERAL DOMINGO VILLANUEVA

PANGULONG ARROYO

REYES

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with