Ex-mayor, 3 escort todas sa ambush
November 2, 2002 | 12:00am
Inambus at napatay ng armadong mga lalaki ang dating alkalde ng Cotabato City at tatlong security escorts nito sa isang mapangahas na pagsalakay, kamakalawa ng gabi.
Agad na namatay dahil sa dami ng tama ng bala si Datu Karim Daud, ex-mayor ng Palimbang, Sultan Kudarat at may-ari ng passenger at cargo vessels na naglalayag sa rutang Pagadian-Cotabato at Cotabato-Sultan Kudarat.
Nasawi rin sa naturang ambush ang kanyang mga bodyguard na sina PO1 Abdulsajid Mohamad, miyembro ng Cotabato City police station; Rodrigo Abugatal na isang kasapi ng CAFGU at Theng Dicaya, driver ng biktima.
Nasugatan naman sa naturang insidente si Ramil Calunsag, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lungsod.
Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-9 kamakalawa ng gabi ng maganap ang pananambang sa bisinidad ng Tulungan st., Tanghal Country Homes, Bagua 2, Cotabato City.
Pauwi na ang biktima kasama ang tatlong bodyguard at sakay ng isang asul na Mitsubishi Adventure ng biglang harangin ng pulang van kung saan lulan ang mga suspek na armado ng M14 at M16 assault rifles.
Agad na pinaulanan ng bala ng mga suspek ang mga biktima na hindi na nagawa pang makipagpalitan ng putok matapos na matadtad ng mga bala sa kanilang katawan.
Mabilis na nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi nabatid na direksiyon.
Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng M14 at M16 habang isang kalibre .45 baril naman ang nakuha sa katawan ng dating alkalde.
Samantala sinabi ni Senior Supt. Sangacala Dampac, Cotabato police director, bago ang ambus ay personal na inireport ni Daud sa kanya ang tungkol sa natanggap niyang "death threats" at nangako pa anya ang biktima na magbibigay ng detalye sa mga bantang ito sa susunod nilang pagkikita.
Ayon kay Dampac, sa ngayon ay wala pa silang matukoy na responsable at motibo sa pananambang.
Pero, lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Cotabato City police na may kinalaman sa negosyo at pulitika ang pananambang sa dating mayor at nadamay na lamang ang mga kasama nito.
Si Daud ay naging mayor ng Palimbang mula 1998 hanggang 2001. Tinalo siya ng katunggaling si Samrod Mamansual.(Ulat nina Danilo Garcia at John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest