4 Pinoy sa Kuwait absuwelto sa pagpatay
October 30, 2002 | 12:00am
Apat na Pilipino na inakusahang sangkot sa pagpatay sa isang Canadian national ang inabsuwelto ng Kuwaiti Court of Appeals.
Si Mary Jane Bitos, kasama ang tatlo pang Pinoy na sina Teddy Tomaro, Noraisa Esick at Lourdes Viray ay pinawalang sala sa akusasyong pinagplanuhan nila ang pagpatay sa asawa ni Bitos na si Luc Either noong nakalipas na taon.
Sa police record, pinagbabaril sina Either at Bitos ng isang di kilalang lalaki habang namamalengke ang dalawa sa isang fishmarket malapit sa Fahaheel, Kuwait. Nakaligtas si Bitos sa nasabing pananambang.
Bukod dito, 3 pang Pinoy na isinasangkot sa kaso ang una nang pinalaya matapos mapawalang sala. Itoy sina Jaime Vinuya, Rosalia Baclig at Edgar Nobya.
Ang mga ito ay takdang umuwi sa bansa sa susunod na linggo. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest