^

Bansa

ISAFP chief nagpayo na gumamit ng manghuhula para ma-detect ang terorista

-
Hindi nagustuhan ng ilang mambabatas ang naging pahayag ni ISAFP chief Victor Corpuz na gumamit na lang ng manghuhula sa intelligence gathering upang malaman kung kailan muling aatake ang mga terorista.

Sinabi ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos na kahit isang biro lamang ang sinabi ni Corpuz ay hindi niya ito dapat inihayag sa publiko dahil para na rin nitong inamin na imposible nilang matukoy ang utak ng mga sunud-sunod na pambobomba sa Metro Manila.

Kinuwestiyun din ni Marcos ang walang tigil na paghingi ng paumanhin ng mga opisyal ng pamahalaan.

"We should stop building sorry republic. Dapat malaman ng mga nasa Palasyo na sila’y lider ng bansa at hindi ng isang homeowners association," ani Marcos.

Inisa-isa ni Marcos ang mga nakaraang pagkakamali ng pamahalaan at ang paulit-ulit na ‘kuryenteng’ balita ng mga mismong tao na nagpapatakbo ng bansa.

Sinabi pa ng kongresista na masyadong iresponsable ang ipinahayag ni Corpuz bilang isang mataas na opisyal ng militar. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

CORPUZ

DAPAT

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

INISA

KINUWESTIYUN

MALOU ESCUDERO

METRO MANILA

SINABI

VICTOR CORPUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with