^

Bansa

Emergency powers ni GMA 'pinatay' ng kongreso

-
Hindi pa man naihahain ang panukalang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Arroyo ay agad na itong pinatay kahapon ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Mismong si Speaker Jose de Venecia ang nagsabing hindi na kailangan pang bigyan ng emergency powers ang Pangulo dahil sapat na ang kapangyarihan nitong resolbahin ang pambobomba sa Zamboanga City at sa Metro Manila.

Ayon kay de Venecia, bagaman maganda ang intensiyon ni Deputy Speaker Raul Gonzales sa kanyang panukala ay hindi ito napapanahon.

Kung pagkakalooban aniya ng Kongreso ng karagdagang kapangyarihan si Arroyo ay iisipin ng mga mamamayan na hindi na nito kayang tugunan ang mga problemang kinakaharap ng bansa.

Magugunitang iniulat na maghahain ng isang panukala si Gonzales upang hilingin ang pagbibigay ng emergency powers kay Arroyo bago mag-recess ang Kongreso.

Pero marami sa mga mambabatas ang naniniwalang hindi na kailangan ng Pangulo ang naturang kapangyarihan.

Sinabi ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada na kung bibigyan ng karagdagang kapangyarihan ang Pangulo ay lalong aalis ang mga foreign investors sa bansa. Negatibo anya ang magiging epekto nito dahil mas magkakaroon ng takot ang mga mamamayan at mga mamumuhunan.

Sinabi naman ni Pampanga Rep. Oscar Moreno na ang kailangan ngayon ay mas palakasin ang intelligence gathering ng militar.

Hindi na rin umano kailangan pang dagdagan ang intelligence fund dahil kung tutuusin ay sobra-sobra na ito. (Ulat ni Malou Escudero)

APOLINARIO LOZADA

DEPUTY SPEAKER RAUL GONZALES

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

METRO MANILA

NEGROS OCCIDENTAL REP

OSCAR MORENO

PAMPANGA REP

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with