^

Bansa

Pambubugaw ng mga sundalo sa mga Pinay pinaiimbestigahan

-
Nais ng isang kongresista na imbestigahan ang napaulat na pambubugaw umano ng mga sundalo ng Phil. Air Force sa mga Pilipina upang magbigay ng aliw sa mga Kanong nasa bansa.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Liza Masa, kailangang malaman kung may katotohanan ang akusasyon ng mga may-ari ng Field Avenue bar ang ilang miyembro ng PAF na nagsa-sideline bilang bugaw at nagdadala ng mga Pinay sa loob ng base militar para mag-"serbisyo" sa mga US troops.

Ayon sa lady solon, ang pagdadala ng mga bayarang babae sa loob ng lugar ng mga militar ay hindi na bagong balita dahil una nang naiulat ng Gabriela na sa Pampanga ay nagkaroon na nang ganito ng magsimula ang unang Balikatan military exercises at maging sa Zamboanga kaugnay na rin sa Balikatan 02-01.

Nabatid pa ng grupo na nagpalabas umano ng mahigit sa 2,000 certificates ng STD-free at HIV-free women ang local health center sa Angeles nitong unang ilang buwan ng taon. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

AIR FORCE

AYON

BALIKATAN

BAYAN MUNA REP

FIELD AVENUE

GABRIELA

KANONG

LIZA MASA

MALOU ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with