Pasahe di itataas - GMA
October 12, 2002 | 12:00am
Siniguro kahapon ni Pangulong Arroyo na walang magaganap na pagtaas sa singil sa pamasahe sa kabila ng panibagong pagtataas sa presyo ng gasolina.
Ayon sa Pangulo, magsasagawa siya ng lahat ng hakbangin sa ilalim ng kanyang kapangyarihan para mapanatiling mababa ang singil sa pasahe dahil lumilikha ito ng serye ng epekto sa presyo ng pangunahing mga bilihin at serbisyo.
Inatasan na ng Pangulo si Transportation Secretary Leonardo Mendoza at Finance Sec. Isidro Camacho na makipagdayalogo para makahanap ng ibang alternatibo kung paano matutugunan ang problema sa pagtaas ng presyo ng gasolina. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended