^

Bansa

Mga bangko magsasara, fake news! - BSP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga bangko magsasara, fake news! - BSP
Bangko Sentral ng Pilipinas

MANILA, Philippines — Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko hinggil sa isang pekeng social media video na nagsasabing ang mga bangko sa bansa ay magsasara sa Biyernes.

Sa isang abiso ng BSP, nabatid na ang ­naturang video ay orihinal na ibinahagi sa Facebook, na siyang nagtanggal nito.

Gayunman, nagbabala ang BSP na ang naturang video ay maaaring nagsi-circulate pa, nire-repost o kinukopya.

Tiniyak naman ng BSP na handa silang gumawa ng kaukulang aksiyon laban sa sinumang indibidwal o organisasyon na sangkot sa paglikha at pagpapakalat ng mga materyales o kahalintulad na fake news.

“The BSP is prepared to take action against any persons or organizations involved in creating or spreading the material or any similar fake news,” bahagi pa ng abiso.

Nanawagan din ang BSP sa publiko na kaagad na ireport ang anumang kahalintulad na misleading na post o claims sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng kanilang email na [email protected].

FAKE NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with