'Pinas sigurado ang upuan sa UN Security Council
October 7, 2002 | 12:00am
Malaki ang paniwala ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople na makakakuha ng upuan ang Pilipinas sa United Nations Security Council para sa terminong 2004-2005.
Nanguna si Ople sa kampanya ng Philippine bid sa pagdaraos ng 57th UN General Assembly sa New York para sa bilateral meetings sa may 12 bansa mula sa Asia, Europe, North America at Africa kung saan mahina ang kandidatura ng Pilipinas.
Ang puwestong ito ay isa sa 10 rotating seats para sa non-permanent members ng Security Council.Ang limang permanenteng miyembro na may veto power ay ang US, Britain, China, Russia at France.
Ang bid ng Pilipinas para sa isang puwesto sa 15 nation Security Council ay inindorso ng ASEAN.
Inatasan ni Ople si Ambassador Alfonso Yuchengco, Philippine Permanent Representative to the United Nations na i-invoke ang tradisyon ng Asian Group para mag-establisa ng consensus para sa nominee kada taon na ang eleksiyon ay nakatakda sa Nobyembre 2003.
Ang pag-indorso ng Asian Group ay nagpapakita lamang na walang kalaban ang Pilipinas sa nasabing posisyon na inireserba sa Asia para sa Security Council. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest