^

Bansa

Ama kinatay ang misis, anak at manugang, apo kritikal

-
Matapos na hindi bigyan ng perang pambili ng gamot para sa sakit niya sa atay, isang 66-anyos na ama ang nag-amok at pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang kanyang misis, anak na babae at manugang habang nasa kritikal na kondisyon ang 7-taong-gulang na apo nitong lalaki sa naganap na masaker kahapon ng madaling araw sa Parañaque city.

Dead-on-the-spot sanhi ng tindi ng mga tama ng saksak ang mga biktimang nakilalang sina Crisanta Cahutan, 65; mag-asawang Ofelia Cahutan-Fernandez, 36 at Samuel Fernandez, 36, pawang nakatira sa Langka st., Ipil site, Barangay BF Homes nabanggit na lungsod.

Samantala masusing binabantayan ng mga doktor sa Parañaque Medical Center ang kalagayan ng apo nitong si Ulysis Fernandez, 7.

Wala namang bakas ng pagsisisi sa suspek na si Magno Cahutan ng maaresto ng mga pulis at iminumuestra pa sa mga awtoridad kung paano niya pinagsasaksak ang mga biktima.

Nabatid kay Insp. Glen Tigson ng Criminal Investigation Division Parañaque police, naganap ang insidente dakong 3:30 kahapon ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Bago naganap ang pagpaslang, humingi umano ang suspek ng pera sa kanyang asawang si Crisanta para ipambili niya ng gamot sa iniinda niyang sakit sa atay.

Ngunit, hindi nabigyan ang suspek dahil naubos na ang pera na pinang-shopping umano ng kanyang misis.

Lalong naburyong ang suspek dahil sa tuwing nagpapadala ng pera ang isang anak nila na nasa abroad, hindi siya binibigyan ng pera ng kanyang misis.

Dahil dito, habang natutulog ang mga biktima, kumuha ng kutsilyo ang suspek at inundayan hanggang sa mapatay ang mga ito.

Pagkatapos ay binalingan pati ang walang kamalay-malay na apong si Ulysis ay idinamay din.

Ang masaker ay agad namang ipinagbigay sa pulisya ng mga residente kaya mabilis na nadakip ang suspek sa pagresponde ng mga awtoridad.

Sa presinto ay ikinatwiran ng suspek na nagawa niyang patayin ang kanyang pamilya dahil sa umano’y pambabastos ng mga ito sa kanya.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION PARA

CRISANTA CAHUTAN

GLEN TIGSON

LORDETH BONILLA

MAGNO CAHUTAN

MEDICAL CENTER

OFELIA CAHUTAN-FERNANDEZ

SAMUEL FERNANDEZ

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with