Ople lusot na sa CA
October 3, 2002 | 12:00am
Walang kahirap-hirap na kinumpirma kahapon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si dating senador Blas Ople bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs.
Tumagal lamang ng 3 minuto ang naging pagdinig ng CA at kapuna-puna din na walang miyembro ng administration senators ang nakadalo habang ang naroon lamang ay si opposition Sen. Edgardo Angara.
Naging madali kay Ople na makapasa sa CA dahil walang naging oppositor para sa kanyang kumpirmasyon.
Ang nasabing kumpirmasyon ay lumabas matapos ang dalawang buwan simula ng umupo si Ople sa DFA. Mula sa unang araw na pag-upo nito, nagbigay na agad ito ng policy directions sa kanyang mga opisyal.
Itoy kinabibilangan ng kautusang paghuli sa mga passport syndicates na nagresulta sa pagkakabuwag ng "baklas passport" holders kabilang na ang recruitment/travel agencies na sangkot sa illegal passport activities.
Si Ople ay 10 taon naging senador bago hinirang ni Pangulong Arroyo sa kanyang Gabinete kapalit ni Vice President Teofisto Guingona na nagbitiw bilang kalihim ng DFA. (Ulat nina Rudy Andal/Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest