GMA-7 crew missing sa Sulu!
September 30, 2002 | 12:00am
Isang television reporter at cameraman ng GMA-7 na magsasagawa sana ng panayam sa isang lider ng mga rebeldeng Muslim at ulat ukol sa sitwasyon sa Sulu ang napabalitang nawawala na hinihinalang dinukot kamakalawa ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nakilala ang mga biktimang sina Carlo Lorenzo, reporter at Gilbert Buyco, cameraman ng naturang istasyon ng television ay dinukot noong Sabado sa Brgy. Kagay, Indanan,Sulu.
Nabatid na nagtungo ang nasabing news team sa Ommol Qura Village sa Brgy. Buansa sakay ng isang inarkilang dyip (JBE-699) na minamaneho ni Amil Paradji dakong alas-2 ng hapon upang katagpuin ang isang Hadja Jalma Abdujarak alyas Hadja Ling.
Ilang oras ang nakalipas ay dumating sa lugar si Hadja Jalma na siyang maghahatid sa mga biktima kay MNLF Commander Arola Abubakar na siyang pakay nina Lorenzo at Buyco.
Pagdating nila sa Brgy.Talibang ay bumaba sa sasakyan si Hadja Jalma at nagpaalam sa mga biktima para kontakin si Abubakar.
Habang nasa sasakyan ang mga biktima ay dumating naman sa lugar si Abubakar na may kasamang mga tauhan.
Tatlo sa mga tauhan ni Abubakar ay sumakay sa dyip ng mga biktima para magtungo sa Brgy. Laumsaing Kagay, Indanan.
Dahil sa bulubundukin ang lugar at hindi kaya ng dyip ay nagpasya na lamang ang mga biktima kasama ang grupo ni Abubakar na maglakad.
Isat kalahating kilometro na ang nalalakad ng grupo nang maghinala si Paradji na may masamang balak ang grupo ni Abubakar.
Kayat nagpaalam ito na babalikan ang dyip at kunwaring may naiwan at hahabol na lamang.
Nang makalayo, sinabi ni Paradji, tinangkang sundan niya muli ang grupo ngunit hindi niya makita ang mga ito.
Nagpasya itong maghintay hanggang alas-7 ng gabi subalit hindi na dumating ang mga biktima kayat iniulat nito ang insidente sa Sulu Provincial Police Office.
Sinabi naman ni Sulu PNP provincial director, Supt. Arip Baanan na kanila nang ipinatawag si Hadja Jalma upang magbigay linaw sa pangyayari at binalaan nito na kailangang ilabas ang mga biktima kung ayaw nitong harapin ang kasong kidnapping.(Ulat nina Danilo Garcia at Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest