NPA attack: Police chief todas
September 28, 2002 | 12:00am
Muling ipinakita ng New Peoples Army (NPA) ang kanilang bangis matapos na muling sumalakay ang tinatayang 50 rebelde at mapatay ang hepe ng istasyon ng police sa Lopez, Quezon kahapon ng hapon.
Dead-on-the spot sa loob mismo ng istasyon ang police chief na si P/Supt. Cesar Santander habang sugatan naman ang isang SPO2 Santiago at isa pang tauhan. Malubhang nasugatan rin ang isa pang sibilyang nakabilanggo.
Kinukumpirma rin ang ulat na dalawa pa sa mga pulis ang tinangay ng mga rebelde sa kanilang pagtakas na ginawa nilang pananggalang.
Sa sketchy report na nakarating sa Camp Crame, nabatid na inatake ng tinatayang 50 armadong rebelde na sakay ng mga jeepney ang Lopez police station dakong alas-3:30 ng hapon. Balak umanong iligtas ng mga rebelde ang nakakulong nilang kasamahan.
Nasorpresa umano ang mga pulis na nakatayo sa loob ng himpilan kung saan agad na natiyempuhan si Santander na nasa harapan ng istasyon at agad na pinaputukan. Isang tama ng bala sa ulo ang agad na tumapos sa buhay ng hepe.
Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok nang gumanti ang mga nakatalagang pulis.
Napilitang umatras ang mga rebelde habang nagsisigaw ng "mabuhay ang hukbong bayan!"
Hindi naman nagawang mapasok ng mga rebelde ang naturang istasyon dahil sa matagumpay na pagdedepensa ng mga pulis.
Sa pagtakas ng mga rebelde, nabatid na may mga iniwang bakas ng dugo ang mga ito buhat umano sa mga kasamahan nilang tinamaan rin sa naturang engkuwentro.
Ipinag-utos na ni Maj. Gen. Roy Qiampo, hepe ng Southern Luzon Command ng AFP ang pagtugis sa mga NPA.(Ulat nina Danilo Garcia at Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am