House arrest kay Mark Jimenez
September 26, 2002 | 12:00am
Tumanggi ang Department of Justice (DOJ) sa mungkahi ng mga kongresista na isailalim sa house arrest o sa recognizance si Manila Rep. Mark Jimenez.
Sinabi ni Justice Secretary Hernando Perez na hindi niya papayagan na makalaya si Jimenez sa oras na maging pinal na ang kautusan ng hukuman para arestuhin ito kasabay ng pagsasabing nababahala siya na hindi magiging pareho ang kamay ng batas kung papayagan ang kongresista na makalaya sa pamamagitan ng recognizance.
Pinaliwanag ng kalihim na ang recognizance ay isang uri ng piyansa subalit ibibigay sa pangangalaga ng isang opisyal o lider ng isang komunidad at ito rin ang magbibigay ng kasiguruhan na siyang magsusuko sa akusado sa sandaling kailangan na itong ikulong.
Ayon pa kay Perez, nagpalabas na rin siya ng hold departure order para masigurong hindi makakaalis at makakapagtago sa ibang bansa si Jimenez para takbuhan ang kanyang mga kaso sa Estados Unidos.
Reaksiyon ito ni Perez sa pahayag ng mga kongresista sa pangunguna ni Deputy Speaker Raul Gonzales at House Majority Floorleader Neptali Gonzales III na maaring pagkalooban ng recognizance si Jimenez sa ilalim ng pangangalaga ni House Speaker Jose de Venecia at siya ring magdala sa hukuman kung kailangan na ito. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest