Dahil sa takot, napilitan umano si Alaba na ipakilala sa mga kagawad ng PNP ang may 30 armadong rebeldeng naka-fatigue bilang mga sundalo ng 72nd Infantry batallion.
Naging madali para sa mga rebelde na limasin ang may 17 M-16 at apat na M-14 rifles kasama ang mga ammunition at communication equipments ng naturang himpilan ng pulisya.
Nabatid na ang pagsalakay ay pinamunuan ng isang Kumander Lando.
Dakong 5:30 ng madaling araw ng pinaparada pa ng mga pulis ang dalang sasakyan ng mga rebelde dahil sa kasama nila ang nabanggit na alkalde.
Kampante silang pinatuloy sa presinto subalit nagulat nang tutukan sila ng mga armado at wala ng nagawa ang mga pulis ng tangayin ng mga rebelde ang mga armas, radyo at iba pang armory ng istasyon.
Ibinaba rin si Alaba ng mga rebelde sa kanilang pagtakas matapos ang pagsalakay.
Ang mayor ay malalagay ngayon sa hot water dahil sa pagtulong sa mga rebelde sa naganap na pagsalakay.
Ngunit nilinaw ni Alaba na hindi siya nagkusang tulungan ang mga rebelde kundi tinakot lamang siya.
Ayon sa ulat, nagsasagawa ng inspection tour ang mayor sa kanyang mga proyekto kamakalawa ng hapon nang i-hostage siya ng mga rebelde.
Kasunod nito, sinibak rin kahapon sa tungkulin ni PNP Chief Hermogenes Ebdane ang buong puwersa ng Maco municipal police station sa pamumuno ng hepe nitong si Chief Insp. Julius Ilagan.
Nakatakda namang imbitahan si Mayor Alaba para sa gagawing imbestigasyon hinggil sa naging partisipasyon nito sa naganap na pagsalakay.(Ulat ni Danilo Garcia)