Laman ng Velarde account P500-M dati, P2,700 na lang
September 24, 2002 | 12:00am
Nabunyag kahapon na ang dating P500 milyong laman ng kontrobersiyal na Jose Velarde account ay naglalaman na lamang umano ng P2,770.69.
Sa ulat kay Sheriff Edgardo Urieta na may petsang Setyembre 18, subalit kahapon lamang natanggap ng Sheriffs Office, inihayag ni Equitable-PCI Bank legal advisory manager Gerardo Banzon na ang Jose Velarde account sa Binondo branch sa Maynila ay may total balance na P2,770.69 na lamang gayong pinaniniwalaan na mahigit ito sa P500M noong isinasagawa ang impeachment trial.
Ang Jose Velarde account ay sinasabing pag-aari ni dating Pangulong Estrada kung saan nito umano dineposito ang bilyon-bilyong pisong nakuha umano niya habang pangulo pa siya ng bansa.
Sinabi ni Urieta na hindi siya kumbinsido sa ulat ni Banzon kaya hihilingin niya sa Office of the Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon upang malaman kung tutoo ang sinasabi nito. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest