Sinabi ni TESDA Regional Officer IX Director Roberto Braga, na ang libreng pagsasanay ay kinakailangan ng mga deportees para magkaroon sila ng skills na makakatulong para maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay.
Ang mga lalaki ay sasanayin sa electrical,lathe machine operation, automotive, civil at construction trades,refrigeration, airconditioning at welding.
Habang sa mga kababaihan naman ay paggawa ng novelty items making, baking, meat processing, hog raising gamit ang teknolohiya ng Koreano.
Isasagawa ang pagsasanay sa lugar na kung saan naroon ang mga deportees. (Ulat ni Jhay Quejada)