"Batay sa report na inihayag ng mga kinatawan ng Department of National Defense nitong nakaraang hearing sa Senado, P10.9 bilyon lamang ang inilaan para sa programa mula noong pinagtibay ang AFP Modernization Act noon pang 1996. Ang nagpasama pa dito ay maliit na bahagi lamang ang naipalabas para sa pagbili ng mga kritikal na armas at kagamitan ng militar," sabi ni Honasan.
Idiniin pa ng senador na kung di seryosong haharapin ng kasalukuyang administrasyon ang problemang ito lalo pang hihina ang kapabilidad ng militar at malamang magiging "laughing stock" ang AFP sa ASEAN.
"Just imagine if our current border problems with China and Malaysia escalate into a full-blown armed confrontation, can our military be able to defend our nation and territory from the armed forces of the two countries? With only a handful of aging fighter planes and a navy without any medium range naval weapons capability, the DND and the DFA migppht as well form a reception committee or the invading forces," ani Honasan.
Ikinalungkot ng senador mula Bikol na ang kakarampot na pondo na inilaan para sa modernisasyon ng AFP ay lalo pang pinaliliit ng mga kuwestiyonableng paraan ng pagbili ng armas at kagamitan ng ibat ibang sangay ng militar.
Pinuna niya na may ilang mga matataas na opisyal ng militar ang sinampahan ng sari-saring graft charges tulad ng isang reklamog inihapag kamakailan sa Ombudsman ng isang Ms. Rosario Ong laban kay Secretary Angelo Reyes mismo.
Ang kasong inihain ay bunga sa diumanoy pagtangging magbayad ni Reyes para sa P201 milyon na kontrata na pinasok ng Phil. Army at Alvis Logistics at Bairam Enterprises, Inc. para sa pag-supply ng mga kagamitan at pagkumpuni ng mga Scorpion tanks ng militar.
Kailangan anyang siguruhin na sa pagbili ng anumang armas o kagamitang militar ay magkakaroon ng "great transparency and accountability" para matiyak ang mas epektibong paggamit ng limitadong pondong nakalaan sa modernisasyon ng AFP. (Ulat ni Rudy Andal)