^

Bansa

Paglilikas sa mga Pinoy sa Iraq hindi puwersahan

-
Hindi magpapatupad ng puwersahang paglilikas ang pamahalaan sa mga Pinoy sa Iraq.

Iniulat sa Malacañang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mula sa kabuuang 121 Pinoy na nasa Iraq ay 10 pa lamang ang naililikas.

Ang bilang na ito ay kumakatawan lamang sa mga dependents ng overseas Filipino workers (OFWs).

Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na karamihan sa mga Pinoy na nasa Iraq ay nagtatrabaho sa mga ahensiya ng United Nations, embahada ng Pilipinas at malalaking kumpanya na may sariling evacuation plans.

Sa katunayan, maging si Philippine charge d’ affairs Grace Escalante ay hindi pa pinapalikas ang kanyang mga anak. Nagpasya ang mga ito na manatili pa rin sa Baghdad.

Iniulat din ng DFA na hindi nagmamadali ang mga Pinoy na umalis sa Baghdad. (Ulat ni Ely Saludar)

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELY SALUDAR

GRACE ESCALANTE

INIULAT

MALACA

NAGPASYA

PINOY

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with