P60-M ransom hingi sa 2 anak ni Cong. Jules
September 15, 2002 | 12:00am
Itinaas na sa P60 milyon ang ransom na hinihingi ng mga kidnapper kapalit ng pagpapalaya sa dalawang anak ni Negros Occidental Congressman Julio "Jules" Ledesma.
Ayon sa source, ipinarating ng mga kidnapper kay Ledesma na kung di umano nito ibibigay sa lalong madaling panahon ang nasabing halaga ng ransom ay may mangyayaring masama sa mga anak nitong sina Cristina Julieta Victoria, 10, at Julio Carlos Tomas, 5.
Ang dalawang bata ay papasok sa eskuwelahan lulan ng Ford Mark III van ng harangin ng mga armadong suspek at pagbabarilin ang gulong ng sasakyan sa Brgy. Addition Hills, Greenhills, San Juan at sapilitang tangayin ang mga bata mula sa yaya ng mga ito kamakalawa.
Base pa sa teorya ng mga awtoridad, posibleng pinag-interesan umano ng mga kidnapper na dukutin ang mga anak nito matapos na mabatid na sobrang yaman pala ng kongresista.
Na-feature si Ledesman kamakailan sa Pipol ng ABS-CBN kung saan ipinakita ang magarang mansion nito sa Negros na may lake pa sa loob, sangkatutak na katulong, malawak na plantasyon ng tubo, sariling helicopter at iba pang ari-arian.
Samantalang nagregalo rin umano si Ledesma ng tig-isang mamahaling singsing sa dalawang kaibigan ng kayang kasintahang si Assunta de Rossi na sina Ara Mina at Rosanna Roces. Si Ara ang sinasabing naging daan sa pagkakakilala ng solon at ni de Rossi.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang sinusundang lead ang Police Anti-Crime and Emergency Response Unit (PACER) na siyang humahawak sa kaso pero tumanggi muna ang mga itong tukuyin ang mga detalye dahil baka manganib umano ang buhay ng dalawang bata.
Sa isinagawang follow-up operations ng mga awtoridad, natukoy na ang plate number nang isa sa dalawang sasakyang ginamit ng mga kidnapper na kulay maroon na Isuzu Crosswind na may plakang WDC 456 na nakarehistro sa pangalan ng isang Rodrigo Avapo ng Cebu City base na rin sa ginawang beripikasyon sa Land Transportation Office.
Kinilala na rin umano ang dalawa sa mga suspek mula sa mahabang listahan ng wanted list na ipinakita ng mga imbestigador sa driver ng mga bata na si Randy Barcelona at yaya na si Jenalyn Tizado.
Nauna nang nakiusap ang kongresista na huwag munang palakihin ng media ang nangyari sa kanyang mga anak.
Naging tikom din ang bibig ng PNP hinggil sa mga kaganapan sa pagdukot sa dalawang bata.
Sa isang ambush interview kay PNP chief Hermogenes Ebdane, sinabi nito na hindi na umano dapat pang pag-usapan ang ganitong ka-sensitibong kaso dahil maaring malagay sa panganib ang buhay ng mga biktima.
Sinabi ni Ebdane na makakatulong ang kanilang pananahimk para huwag manganib ang buhay ng mga biktima.
"No scoop is worth a victims life," ani Ebdane.
Subalit sa kabila ng pananahimik na ito ng awtoridad ay napabalitang isang ninong umano ng mga batang Ledesma ang nag-withdraw ng P20 milyon sa Hong Kong-Shanghai Bank (HSBC) sa Makati at umanoy diniretso ang pera sa Dasmariñas, Makati para gamiting ransom. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest