Ani Oreta, mas lalong lumalakas ang kanyang hinala na ang pagpapasara sa 13 ahensiya ng gobyerno ay ginagamit lamang ng administrasyong Arroyo para pagtakpan ang gagawin nitong pagpapasara sa NPO para umano makapandaya sa darating na halalan sa 2004.
Aniya, napakawalang puso ng Malacañang kung tutuluyan nito ang pagpapasara sa mga naturang ahensiya ng walang planong paglalagayan sa humigit-kumulang sa 7,000 empleyado nito na mawawalan ng trabaho.
Sinabi rin ni Oreta na mismong ang mga empleyado ng NPO ang nagsabi sa kanyang tapos nang pirmahan ni Pangulong Arroyo ang naturang EO at ang kulang na lang ay ipalabas ito at ipatupad.
Pero, ani Oreta, kung totoo man ang balitang ito ay isang paglabag sa batas ang ginagawa ng Palasyo dahil ang hakbang na ito ay dapat isinasangguni sa Kongreso, lalo nat 7,000 lingkod bayan ang mawawalan ng hanapbuhay at aabot sa P20 bilyon ang gagastusin sa pagbabayad sa kanilang mga benepisyo sa pagreretiro.
Idinagdag pa ni Oreta na ipapatawag ng Senate committee on public information and mass media na kanyang pinamumunuan si Press Secretary Ignacio Bunye upang ipaliwanag ang isyung ito. (Ulat ni Rudy Andal)