Ito ang di naiwasang itanong kahapon ni Senate Majority Leader Loren Legarda-Leviste matapos mapagkasunduan ng mga siyentipiko sa librong Hotspots: Earths Biologically Richest and Most Endangered Terrestial Ecoregions, na no.1 ang Pilipinas pagdating sa pagkasira ng tinatawag nilang biodiversity.
Ayon kay Loren, isa na namang sampal ito sa mga Pilipino lalo nat noong Agosto ay ibinulgar niya ang report ng United National Environmental Program (UNEP) na nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo pagdating sa pagkasira ng coral reef sa baybaying dagat.
Ang biodiversity ay tumutukoy sa kaayusan ng maraming elemento ng kalikasan na siyang sumusustena sa buhay ng maraming uri ng halaman at hayop.
Pinuna ni Legarda na sa dalawang blackeye na inabot ng Pilipinas, hindi siya magtataka kung mabansagan ang mga Pilipino bilang pinaka-walang pakialam sa kapaligiran. (Ulat ni Rudy Andal)