Ayon sa spokesman ni Estrada na si Atty. Raymund Fortun, ang pagpapalabas ng memoranda ay hindi lamang labag sa batas kundi isang pang-aabuso ng kapangyarihan ng hudikatura.
"Court order lamang ang maaaring magtulak sa mga bangko na ilabas ang impormasyong hinihingi nila, hindi base sa isang memorandum lamang."
Iginiit pa niyang patunay lamang ito na ignorante ang mga abogado ng prosekusyopn sa bank secrecy law na patuloy na ipinatutupad ng mga bangko upang protektahan ang kanilang mga kliyente.
Kinukuwestiyon ng mga court-appointed lawyers ni Estrada ang ilang bahagi ng nasabing ruling dahil isinama ang ilan pang real at personal properties ng mga akusado. (Ulat ni Malou Escudero)