^

Bansa

Mga abogado ng prosekusyon posibleng ma-contempt

-
Posibleng maharap sa panibagong kasong contempt of court ang mga bumubuo ng prosecution panel kontra kay dating Pangulong Estrada sa kasong plunder matapos magpalabas ang mga ito ng isang memorandum sa mga bangko na i-report ang anumang accounts na hinihinalang pag-aari nito.

Ayon sa spokesman ni Estrada na si Atty. Raymund Fortun, ang pagpapalabas ng memoranda ay hindi lamang labag sa batas kundi isang pang-aabuso ng kapangyarihan ng hudikatura.

"Court order lamang ang maaaring magtulak sa mga bangko na ilabas ang impormasyong hinihingi nila, hindi base sa isang memorandum lamang."

Iginiit pa niyang patunay lamang ito na ignorante ang mga abogado ng prosekusyopn sa bank secrecy law na patuloy na ipinatutupad ng mga bangko upang protektahan ang kanilang mga kliyente.

Kinukuwestiyon ng mga court-appointed lawyers ni Estrada ang ilang bahagi ng nasabing ruling dahil isinama ang ilan pang real at personal properties ng mga akusado. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

IGINIIT

KINUKUWESTIYON

LAMANG

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ESTRADA

POSIBLENG

RAYMUND FORTUN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with