Giyera laban sa droga idineklara
August 29, 2002 | 12:00am
Inilunsad ngayon ni Pangulong Arroyo ang malawakang giyera laban sa illegal na droga matapos niyang mabatid na halos lahat ng mga arestadong kriminal ay nasa ilalim ng impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot lalo na aniya ang mga sangkot sa mga karumal-dumal na krimen.
Inihalimbawa dito ang mga naarestong kasamahan ng napaslang na Pentagon leader na si Faisal Marohombsar na nasa impluwensiya ng drugs.
Ang pahayag ng Pangulo ay matapos na pulungin ang mga opisyal ng Dangerous Drugs Board na pinamumunuan ni DILG Secretary Joey Lina at Philippine Drug Enforcement Agency sa ilalim ni retired General Anselmo Avenido.
Iniutos din ng Pangulo na rebisahin ang order of battle ng PNP upang tukuyin ang mga sindikato sa droga.
Sinabi naman ni Lina na inorganisa na ang mga Drug Enforcement Council sa buong bansa at magsasagawa ng imbentaryo sa lahat ng mga kumpiskadong illegal drugs upang agad na sunugin. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest