^

Bansa

Teenage suicide, violence tumaas dahil sa droga - Survey

-
Mataas ang bilang ng mga kabataang nasusuong sa mga karahasan, kaguluhan at teenage suicide dahil sa paggamit ng mga ito sa ipinagbabawal na gamot.

Ito ay batay sa lumabas na pag-aaral ng United States Household Survey on Drug Abuse hinggil sa tumataas na antas ng problema ng Estados Unidos sa pagkalat dito ng illegal drugs.

Batay sa data ng USHSDA na nakalap ng Drug Check Phils., no. 1 at largest drug testing company, may 17.9 porsiyento ng mga kabataang may edad 12- 18 ay nasasangkot sa matinding karahasan at pawang napatunayang gumagamit ng droga sa nakalipas na 3 buwan, habang 20.4% naman ng kaparehong edad ay sangkot sa group-to-group fighting dahil sa paggamit sa illegal drugs sa nakalipas na 3 buwan at 28.3% naman ng mga kabataan ang nagagawang manakit ng ibang tao dahil din sa paggamit ng droga sa parehong period.

Lumabas din sa pag-aaral na may 29.4 porsiyento ng kabataan ang nagpapakamatay bunsod ng paggamit ng bawal na gamot sa mga nakalipas na taon, 34.3% naman ng youth suicides ay drug related.

Ang gamot na marijuana ayon sa survey ang pinakagustong gamitin ng naturang mga respondents.

Bunsod nito, hinikayat ng Drug Check ang DOH at DepEd na patindihin ang kampanya laban sa droga laluna sa mga paaralan para maiwasang maganap ang natural ulat sa hanay ng mga kabataang Pinoy dahil sila ang pangunahing target sa paglaganap ng droga.

BATAY

BUNSOD

DRUG ABUSE

DRUG CHECK

DRUG CHECK PHILS

ESTADOS UNIDOS

LUMABAS

UNITED STATES HOUSEHOLD SURVEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with