All-out assault sa Sulu kidnappers
August 25, 2002 | 12:00am
Ito ang panibagong ultimatum na ipinalabas kahapon ng AFP laban sa grupo ng mga kidnapper para palayain ang nalalabi pang apat na preachers ng sektang Jehovahs Witnesses na bihag ng mga ito sa kagubatan ng Patikul, Sulu.
Tatlo pang batalyon ng Phil. Army ang idineploy ng AFP para tumugis sa mga kidnapper habang nagsimula na ring gapangin ng mga sundalo ang kuta ng grupo ng mga sanggano at umanoy drug addict na mga suspek.
Sa kasalukuyan ay anim na batalyon o kabuuang 3,000 sundalo, apat rito ay mula sa Infantry Batallion at dalawa naman mula sa Scout Ranger Company ng Army ang idinispatsa kahapon sa Patikul para sa inilunsad na all-out assault laban sa mga kidnapper.
Sa isa pang interview, sinabi ni Brig. Gen. Romeo Tolentino, commander ng Armys 104th Brigade na kinakailangan ang ibayong paghahanda dahil hindi maiaalis na sumaklolo ang puwersa ng Abu Sayyaf sa grupo ni Abdulmuin Sahiron, lider ng grupong dumukot sa mga preacher dahil na rin sa magkakamag-anak sila.
Si Abdulmuin ay pamangkin ni ASG leader Radullah Sahiron na may reward na P5M sa ulo at kabilang sa Order of Battle ng AFP.
Samantala, hindi ipauubaya ng AFP sa sinumang sibilyan kabilang na ang mga lokal na opisyal na makipagnegosasyon sa mga suspek sa paglutas sa panibagong insidente ng kidnapping.
"Hindi natin puwedeng ipasa sa mga civilians because this (hostage situation) is a national issue. We must do our part. We must apply pressure for better results," ani Tolentino.
Pero, nilinaw ni Tolentino na papayagan pa din nila ang isinasagawang negosasyon na pinangangasiwaan nina Sulu Governor Yusop Jikiri at Patikul town Mayor Hasir Hayudini para ligtas na mapalaya ang mga biktima.
Hawak ng mga bandido sina Norie Bendijo, Flora Mantolo, Cleofe Mantolo at Emily Mantic na pawang mga miyembro ng Jehovahs Witnesses at part-time Avon cosmetics sales agents. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am