Pag-aklas ng BIR employees bubusisiin
August 23, 2002 | 12:00am
Matinding pagbusisi ang ginagawa ngayon ng Civil Service Commission (CSC) hinggil sa kontrobersiyal na pag-iwan ng mga empleyado ng Bureau of Internal revenue (BIR) sa kanilang mga trabaho upang bigyang daan ang pag-aaklas laban sa kanilang napatalsik na hepe na si Rene Banez.
Sinabi ni CSC chairperson Karina David, may batas na nagbibigay karapatan sa mga manggagawa para mag-organisa pero hindi naman pinahihintulutan ng batas na abandonahin ng mga govt employees ang kanilang trabaho para lamang sa pagsasagawa ng strike, demonstrasyon, mass leaves, mass walkouts at iba pang uri ng mass action na magreresulta sa paghinto sa kanilang trabaho.
Nilinaw din ni David na bagamat kinikilala ng komisyon ang pagbubuo ng mga unyon ng mga manggagawa, dapat din nilang isaisip ang kanilang mga responsibilidad bilang katuwang ng pamahalaan para serbisyuhan ang taumbayan.
Hindi naman binanggit ni David kung ano ang ipapataw na parusa ng CSC sa mga empleyado ng BIR na umabandona sa kanilang mga trabaho.
Sinabi lang niya na bagamat patuloy ang ginagawang pagbusisi sa insidenteng nabanggit, mas maganda pa ring aksiyunan ng ahensiya kung may mga complaint hinggil sa naganap na mass walkout ng BIR employees. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended