^

Bansa

Judge sinibak sa minadaling desisyon sa kaso

-
Sinibak sa puwesto ng Supreme Court (SC) ang isang hukom matapos nitong madaliin at ibaba ang desisyon ng isang kasong kriminal laban sa self-confessed killer.

Si Judge Jose Mijares ng Laoag, Northern Samar Regional Trial Court (RTC) branch 21 ay sinibak sa kanyang puwesto base sa 32 pahinang 32 per curiam desisyong SC en banc.

Bukod sa pagkakasibak sa tungkulin ay wala ring matatanggap si Mijares na anuman mula sa 23 taong serbisyo nito at hindi na rin ito maaring makapagtrabaho sa alinmang sangay ng pamahalaan.

Ayon sa Mataas na Hukuman, walang karapatang magtagal sa puwesto si Judge Mijares dahil hindi ito marunong magtanda sa kanyang mga naging kasalanan dahil pinagmulta na ito noon ng SC ng P50,000 dahil sa pagiging ignorante sa batas sa isa pang hiwalay na kasong administratibo.

Base sa desisyon ng SC, pinayagan ni Mijares na maibaba ang sentensiya ng akusadong si Virgilio de Guia, mula sa kasong murder sa kasong homicide.

Pinarusahan din ang hukom dahil sa pagiging ignorante nito sa batas matapos na payagan nito ang aplikasyon para sa probation ng naturang akusado gayung hindi ito saklaw ng kaparusahan para sa kasong homicide.

Sinabi pa ng SC na dapat ay alam ni Judge Mijares na hindi saklaw ng indeterminate sentence law ang homicide base sa ipinataw niyang sentensiya.

Nagpabaya din ang hukom matapos nitong hayaan na kumalat ang isang draft resolution noong Enero 10, 1996 na kanya ring binago kayat lumitaw na dalawa ang nagawa niyang resolusyon na isa ng maliwanag na paglabag sa batas ng hukom hinggil sa rules on confidentiality.

Naniniwala rin ang SC na nagkasala si Judge Mijares ng kasong "knowingly issuing unjust orders" dahil sa maling desisyon nito sa kaso ni de Guia.

Dahilan dito kung kayat inatasan kaagad ng Mataas na Korte na bumaba sa kanyang puwesto mula ngayong araw na ito at pinagbabawalan itong magpalabas ng anumang kautusan para gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang hukom.

Pinag-utos din ng SC na dakpin ang akusadong si de Guia dahil itinuturing ng hukuman na walang bisa ang desisyon ni Judge Mijares. (Ulat ni Gemma Amargo)

AYON

BUKOD

GEMMA AMARGO

GUIA

JUDGE MIJARES

MATAAS

MIJARES

NORTHERN SAMAR REGIONAL TRIAL COURT

SI JUDGE JOSE MIJARES

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with