^

Bansa

BIR chief nagbitiw

-
Isa na namang opisyal ang nalagas sa Arroyo administration ng magbitiw kahapon si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Rene Banez na tinanggap naman ni Pangulong Arroyo.

Sa press briefing ay inihayag ni Press Secretary Ignacio Bunye na habang wala pang nahihirang na kapalit ni Banez ay pansamantalang mamumuno sa BIR si Cornelio Hizon na tinalaga ni Finance Secretary Jose Camacho.

Sinabi ni Bunye na nakalungkot sa Pangulo ang ginawang pagbibitiw ni Banez dahil isa siyang matatag na tagapagtaguyod ng mga reporma sa BIR at katuwang niya sa isinusulong na mahusay at epektibong serbisyo sa gobyerno.

Nagkaroon ng mga panawagan sa iba’t ibang sektor sa pagbibitiw ni Banez dahil sa pagkabigo nitong matugunan ang target na malilikom na buwis para matustusan ang mga inihandang programa ng gobyerno.

Ayon kay Bunye, bagaman pinuri ng Pangulo ang mga naisakatuparang hakbang ni Banez para makapagpatupad ng reporma sa BIR, sinabi nito sa kanyang pagbibitiw na ang pangmatagalang panahong reporma na kanyang binalangkas ay hindi naman makatutugon sa pondong nais malikom ng gobyerno.

Sinabi ni Bunye na nahirapan si Banez na matugunan ang target na koleksiyon dahil sa hindi pagpupursige ng ilang opisyal at tauhan ng kawanihan para makalikom ng sapat na buwis.

Para sa taong 2003, ang inaasahan ng gobyernong malilikom na buwis ay P640.7 bilyon at P580 bilyon ang itinakdang makulekta ng BIR.

Hiniling naman kahapon ni Senator Ralph Recto na ang maging kapalit ni Banez ay dapat kasing-agresibo ng New People’s Army (NPA) sa pangongolekta ng kanilang revolutionary tax at mayroong "bayag" para hulihin ang mga tax evaders.

Ayon kay Recto, hindi rin dapat maging balat-sibuyas sa mga kritisismo ang susunod na BIR chief bagkus ay dapat pagtuunan nito ng pansin ang kanyang trabaho bilang pangunahing tax collector ng bansa.

Samantala, kung nagbunyi ang mga empleyado ng BIR sa pagbibitiw ni Banez, nanghihinayang naman ang mga negosyante dahil sayang umano ang mga repormang ipinatutupad nito bukod pa sa naging tapat at determinado si Banez na linisin ang BIR.

Sa pahayag naman ni Banez, personal na dahilan daw ang kanyang pagbibitiw, pero inaming may mga grupo na gustong sumabotahe sa kanya dahil sa mga paglilinis na ginagawa niya. (Ulat nina Lilia Tolentino/Rudy Andal)

AYON

BANEZ

BIR

BUNYE

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER RENE BANEZ

CORNELIO HIZON

FINANCE SECRETARY JOSE CAMACHO

LILIA TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with