Pinoy kinikidnap sa Indonesia; Pinay ginagawang prosti, sex slaves naman sa SoKor
August 11, 2002 | 12:00am
Naalarma ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa umanoy pangingidnap sa mga manggagawang Pilipino sa Indonesia dahil sa paghihiganti ng mga terorista at ang nagaganap na trafficking ng mga Filipina para gawing prostitutes at sex slaves sa South Korea.
Base sa report, may 4,000 Filipino workers sa Indonesia ang biktima ng abduction at ilan pang Pinoy ang nasa bingit ng panganib at posibleng makidnap rin ng Indonesians dahil sa paghihiganti ng mga ito sa Pilipinas matapos na mahuli at mahatulan ng 17-taong pagkabilanggo ang isang hinihinalang kasapi ng Al-Qaeda network ng teroristang Jemiah Islamiyah na si Agus Dwikarna na hinatulan kamakailan ng Pasay City Regional Trial Court dahil sa pag-iingat ng mga explosives at high-powered firearms sa NAIA.
Bukod dito, naiulat naman na ginagawang sex slaves sa South Korea ang mga kababaihang Pinay.
Nauna nang ibinunyag ni Senador Loren Legarda-Leviste na lumabas sa The Time Magazine investigative report na may 8,500 umano ang nagtatrabaho bilang mga prostitutes sa United States military installations sa Tongduchon at ibang bahagi ng South Korea.
Bukod sa mga Filipina, maging mga Russians ay prostitutes din umano sa nasabing bansa.
Dahil dito, inatasan kahapon ni DFA Secretary Blas Ople si Ambassador Juanito Jarasa ng Philippine Embassy sa Seoul na imbestigahan ang nasabing ulat kaugnay sa nasabing mga pang-aabuso sa mga Pilipina at ang kidnapping sa Indonesia. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest