Private firms kumpiyansa na sa empleyado dahil sa drug test

Malaki na ang kumpiyansa ng iba’t ibang private firms sa bansa na makakapagtrabaho ng husto at maayos ang mga kawani nito matapos na sumailalim sa dug test sa tulong ng Corporate Drug Prevention Program ng no.1 at largest drug firm sa bansa, ang Drug Check Philippines, Inc.

Sinabi ni Mylon Villasante, spokesman ng Drug Check Phils., ang hakbang ay naisagawa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng comprehensive drug prevention program tulad ng awareness building, policy formulation at actual drug screening sa mga empleyado ng mga top companies sa bansa partikular ang mga client companies ng Drug Check.

Dinagdag pa nito na napakahalaga ng random at unannounced drug test upang madiscourage ang mga empleyado sa paggamit ng bawal na gamot.

Inihalimbawa dito ni Villasante ang Society Publishing Inc., publisher ng Buy and Sell, Car Finder at Job Finder na noong Enero 2002, nagsagawa dito ng random drug test ang Drug Check at lumabas sa 10 porsiyento ng work force nito lumalabas na 8% ay gumagamit ng droga.

Bunsod nito agad na nakagawa ng kaukulang aksiyon ang naturang kumpanya laban sa mga positibo sa droga. Ganito rin ang ginawa sa ikalawang batch ng kumpanya na sumailalim sa sa drug test noong June 2002.

Show comments