Pinupunto ni Dr. Arevalo na ang Vatican City ay isang independienteng bansa na may sariling soberanya sa Italya at si Sin bilang dating contender sa pagiging Santo Papa na siyang pinakamataas na pigura sa Katolisismo sa buong mundo at isa ring head of state ay malinaw na nagpapakilala na siya ay hindi Filipino.
Bunsod ng umiiral ng single citizenship sa bansa, sumasagka dito si Cardinal Sin na lumilitaw na may dalawang citizenship.
Binigyan diin pa ni Dr. Arevalo na sakaling matapos ang palugit na ibinigay nito sa BID at hindi nakagawa ng karampatang solusyon ay dadalhin niya ang usapin sa korte kung saan ay maaaring kasuhan ng sibil ang citizenship ng pinakamataas na pinuno ng simbahang Katoliko sa bansa. (Ulat ni Andi Garcia)