Ayon kay Budget and Management Secretary Emilia Boncodin, ang bawat senador ay tatanggap lamang ng tig - P100 milyon at bawat kongresista naman ay tig-P35 milyong pork barrel sa ilalim ng Priority Development Assistance Fund na umaabot sa kabuuang halagang P 3.3 bilyon.
Sinabi ni Boncodin na hindi lang naman mga mambabatas ang magdaranas ng kawalan ng dagdag na pondo kundi lahat na ahensiya ng gobyerno para makontrol ang kakulangan sa pondo o budget deficit.
Bagaman walang dagdag na pondo sa pork barrel, sinabi ni Boncodin na ang bawat mambabatas ay mayroon namang pahintulot na makapagrekomenda ng mga infrastructure projects sa ilalim ng Public Works Act.
Ang panukalang pambansang badyet para sa susunod na taon na pinagtibay ng Pangulong Arroyo ay nagkakahalaga ng P800.7 bilyon.
Ipadadala ang panukalang badyet sa Kongreso ngayong linggong ito. (Ulat ni Lilia Tolentino)