Iprinisinta kahapon kina Pangulong Arroyo at Interior and Local Government Secretary Jose Lina ni PNP Director General Hermogenes Ebdane sa Malacañang ang nasabing grupo na nakilalang sina John Malidom Jr., lider ng grupo; Heralde Bag-Ay ; Romeo Binoloc ; Alex Uvido; Jonathan Fokan; Nelson Bag-Ay; Peter Bocalen; Gilbert Balunsat; Edmund Boswal; David Pulacan; Aslo Ambonoc at Junel Balutoc.
Tinugis ng PRO Cordillera PACER at PRO 1 ang nasabing hold-up gang matapos na looban ng mga ito ang Salting Restaurant sa Marcos Highway sa Barangay Taloy Sur sa Tuba, Benguet noong Hulyo 30.
Nakakulimbat ng halagang P 4,000 cash sa restaurant ang grupo at
P 115,000 mula sa pasahero ng isang bus na pumarada sa harap ng restaurant.
Noong nakalipas na Huwebes at Sabado ay isa-isang nabitag ng PACER ang mga miyembro ng grupo sa magkakahiwalay na operasyon sa Urdaneta, Pangasinan; Pugo, La Union at Baguio City.
Dinagdag pa ni Ebdane na ang grupo ay responsable sa panghoholdap sa Jhonz Restaurant at Shell gasoline station sa Brgy. Taloy Sur, Tuba, Benguet noong Hunyo 23 at panghoholdap ng limang bangko sa Pangasinan at La Union. (Ulat nina Lilia Tolentino, Myds Supnad at Artemio Dumlao)