PNP lead agency sa smuggling
August 1, 2002 | 12:00am
Ipinaubaya na ng Bureau of Customs at Philippine Coast Guard sa PNP ang pangunguna sa paglaban sa malala nang smuggling activities sa bansa matapos na gawin nila itong lead agency sa kanilang kampanya.
Kasabay nito, hiningi ni PNP chief director Gen. Hermogenes Ebdane ang kumpletong listahan ng mga malalaking tao, negosyante man o pulitiko na sangkot sa mga malalaking smuggling activities sa bansa.
Aakto sa bagong responsibilidad na ito ang Maritime group ng PNP at makikipag-koordinasyon sa Customs, PCG at National Bureau of Investigation (NBI).
Sa kasalukuyan, nabatid na ang BOC ang may hawak ng Order of Battle ng mga illegal smuggling activities kayat hanggang hindi umano napapasakamay nito ang listahan ay hindi rin makakakilos ang pulisya laban dito.
Nabatid na pangunahing target ng anti-illegal campaign ng pamahalaan ang paglansag sa mga illegal rice smugglers na umanoy matindi na ang epekto sa pagbaba ng kita ng local rice industry at maging ang pagpupuslit ng droga.
Marami rin ang pagkakataon na nagpupuslit ng mga tao papasok at papalabas ng bansa, smuggling ng mga matataas na kalibre ng baril at maging ng mga produktong pananim.
Binigyang diin ni directorate for plans director Jose Lalisan na kailangan ding matukoy ng PNP mula sa PCG ang mga "unmanned areas" o ginagawang entry at exit points ng sindikato na pinapasukan ng ilegal na kontrabando mula sa ibang bansa. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest