Live coverage sa bitay giit
July 30, 2002 | 12:00am
Muling binuhay kahapon ang panukalang ipalabas sa telebisyon ang pagbitay sa mga kriminal na nakasalang sa death row.
Sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na sa kabila ng pagbabalik ng parusang kamatayan ay hindi pa rin natatakot na gumawa ng karumal-dumal na krimen ang mga kriminal dahil sa hindi nakikita ng mga ito ang pagpapataw ng parusa.
Masusubukan umano kung talagang epektibo sa pagsugpo ng krimen ang parusang kamatayan kung ipapalabas ito sa telebisyon.
Kung tototohanin umano ni Pangulong Arroyo ang pagbitay sa susunod na buwan kay convicted rapist Alfredo Nardo, ay dapat nang isagawa ang executions linggo-linggo upang maubos na ang mga nakahanay sa death row.
Malaki rin aniya ang matitipid ng pamahalaan kung babawasan na nito ang nakahanay sa death row na matagal na ring pinagtibay ng Supreme Court ang pinal na desisyon.
Hindi aniya dapat bigyan ng holiday sa mga bilangguan ang mga kriminal na gumawa ng heinous crimes upang magsilbing aral ang mga ito sa mga taong nagbabalak na gumawa ng krimen.
Hindi na aniya dapat pakinggan ng Presidente ang ilang human rights activists group na tumututol sa pagpapatupad ng parusang kamatayan dahil lalo lamang lulubha ang problema ng krimen sa bansa.
Kung makikita aniya ang live coverage sa pagtibay ay siguradong magdadalawang isip na ang iba pang kriminal na gumawa ng krimen. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended