^

Bansa

P13M halaga ng alahas na regalo ni Erap kay Laarni udyok ni MJ

-
Idinawit kahapon ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson si Manila Rep. Mark Jimenez sa pagbili ni dating Pangulong Estrada ng mamahaling regalo para kay Laarni Enriquez, isa sa mga babae ng dating pangulo.

Sinabi ni Singson sa kanyang muling pagharap sa Sandiganbayan Special Division bilang testigo sa prosekusyon na si Rep. Jimenez umano ang promotor para bumili si Estrada ng alahas na nagkakahalaga ng P13 milyon na iniregalo nito kay Enriquez.

Ayon sa testimonya ni Singson, nagkaroon ng biruan ang mga barkada ni Estrada na kinabibilangan ni Jaime Dichavez na ibili si Enriquez ng P13 milyong halaga ng alahas bilang regalo ng dating pangulo. Si Jimenez umano ang nag-udyok sa iba pang nasa mahjong session na mag-ambag-ambag sila upang malikom ang nasabing halaga.

Dahil si Singson na lamang umano ang hindi nakapagbibigay, inudyukan siya ni Dichavez na maglabas ng P1.2 milyon bilang share niya na kinuha rin umano niya sa perang galing sa jueteng.

Idinagdag pa ni Singson sa kanyang testimonya na minsan na rin siyang nagdala ng P5 milyon mula sa koleksiyon sa jueteng sa tahanan ni Estrada sa P. Guevarra st., San Juan kung saan nakatira si Guia Gomez, ina ni San Juan Mayor JV Ejercito. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

CHAVIT SINGSON

ENRIQUEZ

GUIA GOMEZ

ILOCOS SUR GOV

JAIME DICHAVEZ

LAARNI ENRIQUEZ

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

MANILA REP

MARK JIMENEZ

PANGULONG ESTRADA

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with