Pulis, ralista talu-talo na, maximum tolerance inalis ni GMA
July 25, 2002 | 12:00am
Nagbabala si Pangulong Arroyo na hindi na patatawarin ang mga magugulong demonstrasyon sa Metro Manila.
Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng naging marahas na kilos-protesta sa ilang bahagi ng Quezon City at Maynila noong Lunes sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kung saan tinamaan ng bato sa mukha si Sr. Supt. Rafael Corpuz ng PNP Civil Disturbance Management Unit ng WPD dahil sa rali ng grupo ni Peoples Consultative Assembly (PCA) secretary general Linda Montayre.
Sinabi ng Pangulo na kanyang inalis na ang ipinatutupad na maximum tolerance sa mga kilos-protesta at sa halip ay ipatutupad ang batas sa mga lalabag dito.
Ikinatwiran ng Pangulo na ang maximum tolerance na ipinatutupad ay isang polisiya lamang at hindi batas kung kayat maaari itong baguhin.
Ayon sa Pangulo, sa isang malakas na republika ay kailangang ipinaiiral ang Konstitusyon.
Nilinaw ng Pangulo na hindi naman ito nangangahulugan na inaalis na ang karapatan sa kilos-protesta subalit nais lamang na maalis ang kaguluhan.(Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended