Malacañang susungkit pa ng senador sa oposisyon
July 24, 2002 | 12:00am
Aminado ang Malacañang na hindi pa ito kuntento sa pagkakasungkit kay Senador Robert Jaworski at gusto pa nilang makasungkit ng kahit isa pang senador mula sa oposisyon.
Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, tanggap ng Palasyo na tagilid pa rin ang kampo ng adminsitrasyon sa Senado kahit muling nakontrol ang liderato ng Mataas na Kapulungan.
Gayunman, tumanggi si Bunye na pangalanan kung sino ang target ng administrasyon sa oposisyon.
Samantala, pinabulaanan ni Bunye na gumagamit ng tinatawag na political piracy ang Malacañang kaugnay ng akusasyon ni Senador Edgardo Angara.
Ayon kay Bunye, kapag ang oposisyon ay nalalagasan ay nagbabato ito ng mga alegasyon, pero nung lumipat si Senador John Osmeña sa oposisyon ay tahimik ang mga ito. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended