Reaksiyon ito ni Lozada kaugnay na rin sa pagkakadiskubre ng isang pabrika ng shabu sa Quezon City kung saan anim na Chinese ang kabilang sa mga nahuli.
Masyado na aniyang sinasamantala ng ilang Tsinoy ang hospitalidad ng Pilipinas kaya hindi lamang ang mga produkto nila ang dinadala sa bansa kundi pati shabu.
Sinabi pa ni Lozada, chairman ng House committee on foreign relations, lagi na lamang nasasangkot ang mga Chinese kapag nagkakaroon ng raid at iba pang operasyon laban sa illegal na droga.
Lumalabas aniya na hindi iginagalang ng mga nahuhuling dayuhan ang batas ng Pilipinas at hindi sila natatakot sa kabila nang pagkakaroon ng parusang kamatayan sa bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)