^

Bansa

Pagpasok ng mga Tsinoy sa bansa hihigpitan

-
Nais ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada na higpitan ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang pagpasok sa bansa ng mga Chinese national na ang tanging layunin ay magtayo ng factory ng shabu sa Pilipinas.

Reaksiyon ito ni Lozada kaugnay na rin sa pagkakadiskubre ng isang pabrika ng shabu sa Quezon City kung saan anim na Chinese ang kabilang sa mga nahuli.

Masyado na aniyang sinasamantala ng ilang Tsinoy ang hospitalidad ng Pilipinas kaya hindi lamang ang mga produkto nila ang dinadala sa bansa kundi pati shabu.

Sinabi pa ni Lozada, chairman ng House committee on foreign relations, lagi na lamang nasasangkot ang mga Chinese kapag nagkakaroon ng raid at iba pang operasyon laban sa illegal na droga.

Lumalabas aniya na hindi iginagalang ng mga nahuhuling dayuhan ang batas ng Pilipinas at hindi sila natatakot sa kabila nang pagkakaroon ng parusang kamatayan sa bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

APOLINARIO LOZADA

LOZADA

LUMALABAS

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

MASYADO

NEGROS OCCIDENTAL REP

PILIPINAS

QUEZON CITY

REAKSIYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with