^

Bansa

Paaralan sinunog, bomba sumbog, eleksyon peaceful pa rin

-
Sa kabila ng mga insidente ng panununog ng paaralan, pambobomba, barilan at ilan pang karahasan sa panahon ng kampanya at halalan ay idineklara na mapayapa ang pangkalahatang barangay at Sangguniang Kabataan elections kahapon sa buong bansa.

Umaabot sa 570 barangay sa bansa ang sinuspinde ng Comelec dahil sa patuloy na pagbaha at bahala na ang Comelec sa pagtatakda ng araw ng halalan sa mga lugar na ito.

Ayon kay PNP chief deputy director Gen. Hermogenes Ebdane, patuloy nilang minomonitor ang may 7,973 mga barangay sa bansa bilang mga "areas of immediate concern."

Sa Metro Manila, hindi nakapagdaos ng eleksiyon sa Malabon, Navotas at Valenzuela dahil bukod sa baha, nagsilbing evacuation centers ang mga silid-aralan na dapat ay nagamit bilang voting precints.

Tinataya namang 2,000 teachers ang nagwalk-out sa ilang polling precints habang nagaganap ang halalan sa barangay at SK dahil tutol ang mga ito sa agarang paglilipat ng kanilang destinasyon sa Parañaque City.

Ang mga guro na nagwalk-out ay pawang nakatalaga sa polling precint ng barangay Baclaran, San Dionisio, San Antonio at Marcelo Green.

Kabaligtaran sa mataas na bilang na naitala ng AFP, mas mababa naman ang iniulat na election-related incident ng PNP na may 56 lamang buhat pa noong March 31. Ito’y dahil sa hindi umano isinama ng pulisya ang mga insidente ng sagupaan sa mga rebelde at Abu Sayyaf na hindi kaugnay sa eleksiyon.

May kabuuan lamang na 38 katao ang nasawi sa kanilang talaan at 13 dito ay mga kasalukuyang opisyal ng barangay, 13 ang mga kandidato, 11 sibilyan at isang sundalo.

Mas mataas naman ang narekober na mga armas sa implementasyon ng gun ban kung saan may 504 baril na ang nakumpiska, 17 pampasabog at 159 mga patalim. (Ulat nina Danilo Garcia/Jhay Mejias)

vuukle comment

ABU SAYYAF

COMELEC

DANILO GARCIA

HERMOGENES EBDANE

JHAY MEJIAS

MARCELO GREEN

SA METRO MANILA

SAN ANTONIO

SAN DIONISIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with