^

Bansa

Opposition hinamon ng Malacañang

-
Hinamon ng Malacañang ang mga miyembro ng oposisyong pulitikal na magharap ng kongkreto at alternatibong mga solusyon sa mga problema ng bansa sa halip na bumatikos sa sinasabi nilang krisis bunsod ng masamang liderato ng Pangulong Arroyo.

Sa isang panayam,sinabi ni Acting Press Secretary Silvestre Afable na hindi na bago ang sinasabi ni Senador Edgardo Angara hinggil sa kundisyong panlipunan, kahirapan at kawalan ng empleyo at lalong hindi tama na sabihin nitong may nagaganap na krisis sa liderato ng bansa.

Kung mayroon anyang krisis sa liderato, ito ay nagaganap sa oposisyon.

Binanggit rin ni Afable na ilang grupo ng civil society ang lumalabas na rin ng alyansa at sa halip na tumulong sa pamahalaan para mapaglingkuran ang pamahalaan ay sangkot pa ito sa propaganda.

Nilinaw rin ni Afable na hindi lahat ng civil society ay nag-iba na ng landas dahil sa marami pa rin ang tumutulong para itaguyod ang repormang panlipunan at kapayapaan ng bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ACTING PRESS SECRETARY SILVESTRE AFABLE

AFABLE

BINANGGIT

HINAMON

LILIA TOLENTINO

MALACA

NILINAW

PANGULONG ARROYO

SENADOR EDGARDO ANGARA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with